INTERFERONS (IFN) --AT ANG NATURAL NA PANLABAN NATIN SA VIRUS.
ito ang uri ng mga molecules na kabilang sa grupo na ang tawag ay cytokines. Ang interferons ay involved sa cell to cell communication--sila ang mga signaling molecules. Ang isang cell na infected ng virus ay maglalabas ng interferons at ito ang mag aalerto sa iba pang cells at para ma-patibay ang depensa ng immune system natin laban sa mga virus. Interferons ang tawag dahil sa kanilang kakayahan na mag “interfere.” In other words, sila ay ang mga paki-alamera. Sila ay nag i-"interfere" sa pag dami ng virus infections. Dahil sa signaling nila, na aactivate nila ang mga cells ng immune system gaya ng mga natural killer cells at mga macrophages. Pinalalakas din nila ang ating depensa sa virus sa pamamagitan ng pag activate ng proceso na tinatawag na Antigen Presentation. Dito sa Antigen Presentation ay pini-presenta sa lupon ng mga cells ang isang cell na infected ng virus. Isipin nyo na lang na parang pinipresenta ang nasasakdal na cell na na hijack ng virus sa lupon ng iba pang cells para siya ay sentensyahan at ma-death penalty. Sa pag death penalty ng infected na cell, ay maiiwasan ang lalong pagdami ng mga virus. Ang mga interferons ang mga tsismoso na nag aactivate ng Antigen Presentation sa isang cell. Pagkatapos ng Antigen Presentation ay kakapit sa antigen presenting cells ang tinatawag na major histocompatibility complex (MHC) antigen. Ito ay para ma recognize ng immune system ang pagkakasakop ng virus sa isang cell at para patayin ang cell na infected or na hijack ng virus. Interferons ang magsusumbong na na -infect ang isang cell para ma activate ang tinatawag na adaptive immunity ng ating katawan. So, lessons? may silbi din ang mga tsimosa kung sila ang taga bantay ng ating kapaligiran. Palakasin natin ang ating interferons at adaptive immunity.